LCC Hymn

La Concepcion College Naming Mahal

LYRICS

I

Kaming lahat ay nandito ngayon

Nagpupugay at nagtitipon

Upang awitan ka, at pasalamatan

Mahal naming Inang Paaralan

II

Di malilimutan magpakailanman

Ang mga aral, sa iyo’y natutunan

Laging kasama ko, saan man magtungo

Buhay lagi ang ala-ala mo

REFRAIN

Ipagbubunyi ka, ipagmamalaki

Sa mga tagumpay naming, lagi ka’ng kasali

Kahit anong pagsubok, kakayanin

Para sa’yo lahat ay gagawin

III

Sama-sama natin, aabutin

Mga pangarap namin ay kayang  tuparin

Dahil sa tulong ng, mahal naming Guro

Lahat kami ay hindi susuko

(Repeat Refrain)

CHORUS

Lahat ng aming tagumpay, sa iyo’y iaalay,

LA CONCEPCION COLLEGE

naming mahal

Lahat ng aming tagumpay, sa iyo’y iaalay,

Mahal naming, Inang Paaralan…

Mahal naming, Inang Paaralan…